Tuesday, April 15, 2008

welcome mga adikkk!!!!

welcome po mga kabayan, kaibigan, kamag-anak sa webpage ng mga adik. but before i go further, meron lang po akong gustong linawin.
.
whenever you hear the word 'adik' i'm sure it immediately conjures up an image of a drug user. or anybody who looks so disgusting from substance abuse and, in effect, is a liability to the society dahil sa lifestyle nila which is more often than not eh non-productive dahil sa kanilang addiction.
.
pero one thing i can assure you, wala po kahit isang member ng aming grupo ang talagang adik. naging biruan lang ito dahil pag nagkaka-tuwaan, wala kang makakausap na matino. puro kalokohan at tawanan ang nangyayari. kaya pag may nag-linya na ng tagilid, Raoul would usually say 'adik!'. saka magtatawanan. doon po nanggaling ang pangalan ng grupo which, much to the chagrin of people not in the know, eh nag-stick na sa amin.
.
kaya po inuulit ko, ang blog na ito ay nabuo dahil sa samahan ng mga taong matino, disente (to a certain degree - hehehe), propesyonal at mga responsableng member of the society. at hinding-hindi po mga adik ang kahit isang member ng aming grupo.
.
in fact, kami po ay pumasa sa dalawang matitinding medical exams na requirement para sa aming pag-a-abroad. kaya po kami ngayon ay mga dakilang ofw na nandito ngayon sa saudi arabia.
.
we thought of putting up this blog para magkaroon ng official diary ang mga gimik at kung ano-anong pinag-gagagawa ng grupo. clean fun of course dahil nga mga matitino (!) naman kami. so what you'd normally see here ay mga mukhang laging naka-ngiti o humahalakhak.
.
something that we have mastered in an environment that people outside the ksa would say challenging. sa amin, basta magkakasama ang grupo, nakakalimutan na yon. and fun takes over whatever homesickness we feel.
.
so join na po kayo and laugh with us sa mga kalokohan at walang katapusang gimik, kainan at bangkaan ng mga adik!

No comments: