Sunday, April 20, 2008

si eGa....



EDGAR YATCO REYES
Tatlumpu't walong taong gulang
[Feb 21, 1970]
Binan, Laguna

FACTS:

1. Pang-apat sa walong magkakapatid - 6 na lalaki, dalawang babae.

2. Ipinanganak at lumaki sa Binan, Laguna

3. Very close ako sa Lola Icion ko. Noong bata ako, sa kanya kami naiiwang makakapatid habang nagtratrabaho ang magulang. Sa kanya ko natutuan kumain ng kanin na asukal ang ulam [parang yukkk pag naaalala ko?]. Kaya noong iniwan na nya ako noong September 2006, hindi pwedeng hindi ako uuwi sa Pinas para makita sya sa huling sandali...miss u La!

4. isang ‘iskolar ng bayan’ sa unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos, nagtapos ng Inhinyero kimikal. Pinalad na makapasa sa Board Exam noong 1994

5. Natutong mag sign language nang magtrabaho bilang Production Supervisor sa Lamoiyan Corporation (maker ng Hapee Toothpaste) kung saan about 30% ng mga empleyado ay pipi at bingi.

6. Alam nyo ba kung bakit ako mahilig sa pamintang durog (ground pepper)? Kasi noong nasa prep ako, nagalit ang teacher ko kasi noisy daw ako. Kaya kumuha siya ng bote ng paminta at saka ibinudbod sa bibig ko! syempre sumbong ako kay Nanay Elvira. ayun, nakikita ko sya sa palengke sa Binan, nagbebenta ng isda.

7. Hindi ako iyakin....para sa akin, ito'y kahinaan.

8. Sensitive ako sa feelings ng ibang tao.

9. Maprinsipyong tao – natutunan kong minsan maganda ito, minsan hindi. Marami ang hindi mo mapagbibigyan at sasama ang loob…I carry on! In short, ma-pride...

10. Matandain ako. Pag nakarating na ako sa isang lugar, alam ko na balikan. Kumbaga, may sense of direction.

11. Pebrero ako...certified toyoin at topakin....pero alam ko lie low na ako jan! been through that! hehehe. At "Magsasaka" rin daw ako....kasi mapagtanim ng galit! ahehehe...di naman masyado. Umaani rin naman ako…

Wala akong ipinagyayabang sa buhay kundi ang isang malaki at masayang pamilya. In spite of hardships sa buhay, at sa murang edad ay napasabak sa hirap ng buhay, biniyayaan pa rin kami ng Diyos.

Hindi sa pagyayabang, 1st Honors ang nakuha ko noong magtapos ako ng elementarya at 2nd Honors noong high school...hindi nga nagyabang! ahahaha. bata pa lang ako, gifted child na...hehe.

Si Tatay Alfredo ay isang ex-Saudi. Bata pa ako'y naririnig ko na ang "Al-Khobar", "Aramco", "Dhahran", "Dammam", at nakita ko sa picture ang bus na "Greyhound Taseco"...parang service ng Aramco yata iyon. Ni wala sa hinagap kong pupunta ako sa Saudi dahil ayaw na ayaw ko.

Bagamat nasa abroad ang tatay ko sa loob ng 5 taon, parang hirap pa rin ang buhay noon dahil marami kaming umaasa sa kanya. Napag aral nya kami lahat. P7=$1 pa ang palitan noon...at nung namatay si Ninoy ay umakyat sa P14=$1....alam ko kasi ako ang utusan para magpapalit ng dollar. at samurang edad rin ay alam ko na kung ano ang procedure para makapagsanla sa pawnshop! hehehe...at kung paano magcompute ng interest! ako ang kanang kamay ni Nanay Elvira...si Tatay Alfredo ay lumisan na noong January 1999.

Close ako sa lahat ng mga kapatid ko. ang ate ko ay may diprensya. huli ang kanyang pag iisip kumpara sa kanyang edad. bata pa lang sya, may sakit na sya.
Sa mga pamangkin ko, ako si “tito ejay”…
Lovelife?...hmmmmm, next topic please! Hehehe. Ilang beses na rin naman akong nagmahal at minahal…at least, na-experience ko!

Question No.1:
“Sa palagay mo, bakit ka matatawag na ‘adik’ at ano ang relevance nito sa buhay mo?”

No idea san ako adik. Basta ang alam ko, I form part of a group na once magsimulang magkwentuhan, sabog sabog ang mga kaisipan, sapat na para maibsan ang lumbay. [gosh, ang lalim nun! arte! ahehhe] kanya-kanya ng talent, kanya-kanyang personality na swak na swak….
Relevance nito? well, its "my family away from home"...

Question No.2:
“Ano ang nakikinita mo sa sarili mo 5 years from now?”

Less than 2 years from now, I am planning na mag-retire na sa Pinas. Doon ko na gustong simulan ang life at 40 at matapos sa hanggang anong edad ako allowed J. Kahit na mas maliit na ang kita, ayoko na ma-miss pa yung ibang part ng buhay by being away. Pwedeng mabuhay ng payak at simple, magtrabaho ng sapat para mabuhay…
Question No.3:
“Pagdating ng panahon na maghiwa-hiwalay na ang mga adik at tatahakin ang sari-sariling buhay, paano mo gusto maalala?”
Safety shoes, picnic set, camera, voucher, key chain, atbp…hehehee.
Maliban sa mga bagay na nabanggit, gusto kong maalala sa paraang nakatulong ako sa kanila sa pagbibigay ng ‘encouragement’ unconsciously doing it…



Mga BAKAS ng NAKARAAN
[hinalungkat pa ito sa baul, at pikit mata kong ipinost dito...wag sana masira ang image ko! Nwei, mejo lasing ako nung i-post ko ito kaya lakasan na lang ng loob! hehehehe]:





























- Edgar Reyes po…Kapuso!

2 comments:

Dante said...

yeahhh!!! ang lufet naman ng talambuhay! hehehe... at lalong malufet ang mga piktyurs! ikaw ba yong walang syort???

tenks for sharing itong mga ganitong details. marami tayong similarities like makaranas mag-ulam ng asukal sa kanin! hehehe... saka ko na lang i-kwento when it's my turn.

°eGa° said...

ahehehe, hindi ako yung walang siyort. conservative ako eh! am the fourth from the right. ako man natawa sa mga pix, pero un me eh!...

yep, bawat isa should post his own story...i started it already.

tnx for appreciating...