Thursday, December 25, 2008

maligayang pasko 2008

namalat ako kagabi from singing and kakahagalpak ng tawa. but i guess it's not just me who enjoyed the small yet very livey party (read: maingayyyy!) na ginawa ng mga addicques kagabi. some of the highlights po bago nyo tingnan ang mga picture below:

- ang grand entrance namin ni ricky, weng at sofia. tapos na ang prayer pagdating namin kaya hatawan agad sa food ang nangyari. inabot daw kasi ng syam-syam ang spag na niluto ni ricky!

- food was overflowing (kasi marami o maliit lang ang table nina ren... hihihi), with the yummy macaroni salad at kare-kare ni ega, spaghetti ni ricky and weng, beef mechado by orly and roy, roast beef at cake ni james, pancit (hmmm di ko natanong kung sinong sponsor), pizza courtesy of jun, matt beef fingers and fruit salad at ang aking sweet and sour lapu-lapu.

- ang mga gifts na napagkamalan kong mga basurang nakatambak kasi ang balot - newspaper!!!! hahahah... buti na lang yong na-receive ko from ega eh medyo sosyal with the matching blue satin ribbon!
.
- si jun na alive na alive for the first two hours with his pasigaw-sigaw ng "pamunas" at yong pag-kukulam sa kanya using the rag doll ni sofia. tapos biglang nawala... yon pala tulog na.

- and videoke concert kung saan na-discover natin na may dugong rocker pala si weng at si roy ay ala il-divo pag kumanta! kaya ang nangyari, si ricky hindi kumakanta pero sinalo na ni weng, si matt ni hindi rin humawak ng microphone kaya si regina na lang ang kumanta. at syempre, si orly hindi na pinakanta, si roy na lang! hahaha... jowk! and of couse, ang alam na nating magagaling na singers like tirso at ariel. mga pang-pinoy idol!

- ang mga nagbabagsakang galon ng tubig, sapatos at kung ano-ano pa sa harap ng kumakanta! hahaha! ang mga nabiktima: donald, neil at james. kaya siguro kinansel ni james ang mga kanta naming nasa queue!

- at ang highlight of highlights.... nag-shake hands, yakap at kiss pa yata ang dalawang addicques na may kaunting lq for the last few weeks. sayang hindi naka-ready ang camera ko.

overall, thanks ren and jun for hosting the party. sana nag-enjoy din kayo sa panggugulo namin. merry christmas everyone.


MERRY CHRISTMAS TO EVERYONE

Friday, December 5, 2008

ricky's bday

today, dec 5th po ang talagang birthday ni ricky boy but last night kami nag-celebrate with him with a very yummy dinner na 24hours yatang pinag-hirapang iluto ni raoul using his hight-tech gas range! hehehe...
.
i had a blast sa kwento ni ega habang nag-hahabol pa ng luto ng palabok si raoul. although medyo off the record yong kwentuhan namin dahil baka matawa rin kayo. basta, masyadong spicy yong kwento, seryoso kaya lang naluha ako sa katatawa!
.
pero talbog lahat kay prinsesa sofia dahil solo nya ang eksena when his daddy was leading the prayer before the kainan. saka umeksena ang bagets at nag-ingay! natawa talaga ako!
.
although na-miss namin ang mga ibang adik particularly ang citrus gang na talagang no-show. may ibang lakad, drama, gimik or whatever. i hope hindi naman ito signs of meltdown... as in economic meltdown, crisis, recession at kung anik-anik pa huh.
.
eniweys, thanks for the yummy dinner and happy birthday ricky boy. enjoy your pics...


ang birthday boy (kahit daddy na hehehe)

sarap talaga ng food...

na luto ni raoul

ayan at pumoporma na agad si junc na humataw

wing, bakit ganon ang expression ni sofia? hahahaha


praktis ba yan ha matteo?


ang popogiiiii! hehehehe


yan ulit si sofia, after magnakaw ng eksena sa prayer ng daddy nya

ano to, tito vic and joey? hehehe

ang masarap na baskin robins ice cream cake

ang hirap namang hiwain, as in namaltos ang kamay ng may birthday!