Thursday, December 25, 2008

maligayang pasko 2008

namalat ako kagabi from singing and kakahagalpak ng tawa. but i guess it's not just me who enjoyed the small yet very livey party (read: maingayyyy!) na ginawa ng mga addicques kagabi. some of the highlights po bago nyo tingnan ang mga picture below:

- ang grand entrance namin ni ricky, weng at sofia. tapos na ang prayer pagdating namin kaya hatawan agad sa food ang nangyari. inabot daw kasi ng syam-syam ang spag na niluto ni ricky!

- food was overflowing (kasi marami o maliit lang ang table nina ren... hihihi), with the yummy macaroni salad at kare-kare ni ega, spaghetti ni ricky and weng, beef mechado by orly and roy, roast beef at cake ni james, pancit (hmmm di ko natanong kung sinong sponsor), pizza courtesy of jun, matt beef fingers and fruit salad at ang aking sweet and sour lapu-lapu.

- ang mga gifts na napagkamalan kong mga basurang nakatambak kasi ang balot - newspaper!!!! hahahah... buti na lang yong na-receive ko from ega eh medyo sosyal with the matching blue satin ribbon!
.
- si jun na alive na alive for the first two hours with his pasigaw-sigaw ng "pamunas" at yong pag-kukulam sa kanya using the rag doll ni sofia. tapos biglang nawala... yon pala tulog na.

- and videoke concert kung saan na-discover natin na may dugong rocker pala si weng at si roy ay ala il-divo pag kumanta! kaya ang nangyari, si ricky hindi kumakanta pero sinalo na ni weng, si matt ni hindi rin humawak ng microphone kaya si regina na lang ang kumanta. at syempre, si orly hindi na pinakanta, si roy na lang! hahaha... jowk! and of couse, ang alam na nating magagaling na singers like tirso at ariel. mga pang-pinoy idol!

- ang mga nagbabagsakang galon ng tubig, sapatos at kung ano-ano pa sa harap ng kumakanta! hahaha! ang mga nabiktima: donald, neil at james. kaya siguro kinansel ni james ang mga kanta naming nasa queue!

- at ang highlight of highlights.... nag-shake hands, yakap at kiss pa yata ang dalawang addicques na may kaunting lq for the last few weeks. sayang hindi naka-ready ang camera ko.

overall, thanks ren and jun for hosting the party. sana nag-enjoy din kayo sa panggugulo namin. merry christmas everyone.


MERRY CHRISTMAS TO EVERYONE

No comments: