Sunday, April 20, 2008

si eGa....



EDGAR YATCO REYES
Tatlumpu't walong taong gulang
[Feb 21, 1970]
Binan, Laguna

FACTS:

1. Pang-apat sa walong magkakapatid - 6 na lalaki, dalawang babae.

2. Ipinanganak at lumaki sa Binan, Laguna

3. Very close ako sa Lola Icion ko. Noong bata ako, sa kanya kami naiiwang makakapatid habang nagtratrabaho ang magulang. Sa kanya ko natutuan kumain ng kanin na asukal ang ulam [parang yukkk pag naaalala ko?]. Kaya noong iniwan na nya ako noong September 2006, hindi pwedeng hindi ako uuwi sa Pinas para makita sya sa huling sandali...miss u La!

4. isang ‘iskolar ng bayan’ sa unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos, nagtapos ng Inhinyero kimikal. Pinalad na makapasa sa Board Exam noong 1994

5. Natutong mag sign language nang magtrabaho bilang Production Supervisor sa Lamoiyan Corporation (maker ng Hapee Toothpaste) kung saan about 30% ng mga empleyado ay pipi at bingi.

6. Alam nyo ba kung bakit ako mahilig sa pamintang durog (ground pepper)? Kasi noong nasa prep ako, nagalit ang teacher ko kasi noisy daw ako. Kaya kumuha siya ng bote ng paminta at saka ibinudbod sa bibig ko! syempre sumbong ako kay Nanay Elvira. ayun, nakikita ko sya sa palengke sa Binan, nagbebenta ng isda.

7. Hindi ako iyakin....para sa akin, ito'y kahinaan.

8. Sensitive ako sa feelings ng ibang tao.

9. Maprinsipyong tao – natutunan kong minsan maganda ito, minsan hindi. Marami ang hindi mo mapagbibigyan at sasama ang loob…I carry on! In short, ma-pride...

10. Matandain ako. Pag nakarating na ako sa isang lugar, alam ko na balikan. Kumbaga, may sense of direction.

11. Pebrero ako...certified toyoin at topakin....pero alam ko lie low na ako jan! been through that! hehehe. At "Magsasaka" rin daw ako....kasi mapagtanim ng galit! ahehehe...di naman masyado. Umaani rin naman ako…

Wala akong ipinagyayabang sa buhay kundi ang isang malaki at masayang pamilya. In spite of hardships sa buhay, at sa murang edad ay napasabak sa hirap ng buhay, biniyayaan pa rin kami ng Diyos.

Hindi sa pagyayabang, 1st Honors ang nakuha ko noong magtapos ako ng elementarya at 2nd Honors noong high school...hindi nga nagyabang! ahahaha. bata pa lang ako, gifted child na...hehe.

Si Tatay Alfredo ay isang ex-Saudi. Bata pa ako'y naririnig ko na ang "Al-Khobar", "Aramco", "Dhahran", "Dammam", at nakita ko sa picture ang bus na "Greyhound Taseco"...parang service ng Aramco yata iyon. Ni wala sa hinagap kong pupunta ako sa Saudi dahil ayaw na ayaw ko.

Bagamat nasa abroad ang tatay ko sa loob ng 5 taon, parang hirap pa rin ang buhay noon dahil marami kaming umaasa sa kanya. Napag aral nya kami lahat. P7=$1 pa ang palitan noon...at nung namatay si Ninoy ay umakyat sa P14=$1....alam ko kasi ako ang utusan para magpapalit ng dollar. at samurang edad rin ay alam ko na kung ano ang procedure para makapagsanla sa pawnshop! hehehe...at kung paano magcompute ng interest! ako ang kanang kamay ni Nanay Elvira...si Tatay Alfredo ay lumisan na noong January 1999.

Close ako sa lahat ng mga kapatid ko. ang ate ko ay may diprensya. huli ang kanyang pag iisip kumpara sa kanyang edad. bata pa lang sya, may sakit na sya.
Sa mga pamangkin ko, ako si “tito ejay”…
Lovelife?...hmmmmm, next topic please! Hehehe. Ilang beses na rin naman akong nagmahal at minahal…at least, na-experience ko!

Question No.1:
“Sa palagay mo, bakit ka matatawag na ‘adik’ at ano ang relevance nito sa buhay mo?”

No idea san ako adik. Basta ang alam ko, I form part of a group na once magsimulang magkwentuhan, sabog sabog ang mga kaisipan, sapat na para maibsan ang lumbay. [gosh, ang lalim nun! arte! ahehhe] kanya-kanya ng talent, kanya-kanyang personality na swak na swak….
Relevance nito? well, its "my family away from home"...

Question No.2:
“Ano ang nakikinita mo sa sarili mo 5 years from now?”

Less than 2 years from now, I am planning na mag-retire na sa Pinas. Doon ko na gustong simulan ang life at 40 at matapos sa hanggang anong edad ako allowed J. Kahit na mas maliit na ang kita, ayoko na ma-miss pa yung ibang part ng buhay by being away. Pwedeng mabuhay ng payak at simple, magtrabaho ng sapat para mabuhay…
Question No.3:
“Pagdating ng panahon na maghiwa-hiwalay na ang mga adik at tatahakin ang sari-sariling buhay, paano mo gusto maalala?”
Safety shoes, picnic set, camera, voucher, key chain, atbp…hehehee.
Maliban sa mga bagay na nabanggit, gusto kong maalala sa paraang nakatulong ako sa kanila sa pagbibigay ng ‘encouragement’ unconsciously doing it…



Mga BAKAS ng NAKARAAN
[hinalungkat pa ito sa baul, at pikit mata kong ipinost dito...wag sana masira ang image ko! Nwei, mejo lasing ako nung i-post ko ito kaya lakasan na lang ng loob! hehehehe]:





























- Edgar Reyes po…Kapuso!

Rens Pre-Birthday Celebration

Just want to add lang po sa na-i-post ni Dante tungkol sa kaarawan ni Pareng Renz... Sadyang kay saya-saya nang mga ganitong pagtitipon at magandang pagkakataon sa mga adiks na magkaroon ng bonding... (Bonding daw oh! Eh halos everyday nga magkakasama ang mga adiks!) Anyway, every year naman pag birthday ni Kabise lagi akong present, pero medyo kakaiba itong celebration na ito... Bukod sa maraming handa ay meron pang mga games and kahit na may nanalo and natalo, may prize parin ang lahat... Which is courtesy of Sir Edgar...
.
Dahil sa panandaliang oras nang celebration, halos wala kaming pakialam sa mga katutubong nasa paligid namin... Basta nagkakasayahan kami! Waz kami shokealam sa mga detetis na Arabo na yun! Hehehehehe... Tulad noong unang pagtitipon ng mga adiks sa Bahar Beach, meron pang nag exhibition... Pero dedma lang kami up to magsawa ang exhibitionist na katutubo. Nagmukha lang syang eng-eng...
.
Anyway, post ko po sana dito yung mga shots ko kaso ang bagal nang connections ko now... So I asked Pareng Eton if okay kaya kung sa RockYou ko nalang sya upload and then insert ko dito yung slide show... Agree naman sya and so ito nga yung finish product ko...





Hayssss... Ang tagal po kayang ayusin nitong slide show na ito... Maka ilang beses kong inayos ang html codes dito sa blogger and pati na yung slide shows sa rockyou... Buti nalang okies naman ang results and I hope nagustuhan ninyo itong gawa ko...
.
Kabise, Maligayang bati sa iyong kaarawan at naway marami pang biyaya ang iyong matangap at marami pang masasayang kaarawan gaya nito...

Friday, April 18, 2008

ren's bday by da beach

yesterday, we're back to bahar to celebrate ren's bday. this time, complete ang adikz kasi neil found time para makasama kami despite his very hectic practice sessions for pne.

ang daming food! aside from the handa ng bday boy, nagdala si raoul ng kalderetang beef. sarap talaga. pag ito ang naka-isip magtayo ng restaurant, magsasara ang pansitan! sarap din ng fruit salad ni orgee. at yong sandwich ko na ewan kung bakit laging sold-out, di naman masarap! pramis! ay, nagiging baon nga pala yon and they say it's better than hakim's sandwiches! hehehe....

ega provided the games na nagka-protestahan pa. hahaha!!! talo ang cheer namin sa mga binibiyak-biyak ng red team! at sa mga games na to lumalabas ang mga ka-adikan. like tito bong being called by his pamangkin matt na old man. si irwin naman, ang daming adjectives na nabanggit ni walang cute o guwapo. morally damaged nga raw sabi ni eton. at si ega, ituro ba naman ni irwin as clue ng pinapa-hulaan! di ko agad na-gets pero favorite expression pala niya yon! charriiinnnggg!!!

and before i forget, nag-swimming po ako kahit malamig! so here's some pics from last thursday. (naku ako lang ba ang magpo-post dito... mga adikkk!!!).



























































HAPPY BIRTHDAY REN!!!

Tuesday, April 15, 2008

welcome mga adikkk!!!!

welcome po mga kabayan, kaibigan, kamag-anak sa webpage ng mga adik. but before i go further, meron lang po akong gustong linawin.
.
whenever you hear the word 'adik' i'm sure it immediately conjures up an image of a drug user. or anybody who looks so disgusting from substance abuse and, in effect, is a liability to the society dahil sa lifestyle nila which is more often than not eh non-productive dahil sa kanilang addiction.
.
pero one thing i can assure you, wala po kahit isang member ng aming grupo ang talagang adik. naging biruan lang ito dahil pag nagkaka-tuwaan, wala kang makakausap na matino. puro kalokohan at tawanan ang nangyayari. kaya pag may nag-linya na ng tagilid, Raoul would usually say 'adik!'. saka magtatawanan. doon po nanggaling ang pangalan ng grupo which, much to the chagrin of people not in the know, eh nag-stick na sa amin.
.
kaya po inuulit ko, ang blog na ito ay nabuo dahil sa samahan ng mga taong matino, disente (to a certain degree - hehehe), propesyonal at mga responsableng member of the society. at hinding-hindi po mga adik ang kahit isang member ng aming grupo.
.
in fact, kami po ay pumasa sa dalawang matitinding medical exams na requirement para sa aming pag-a-abroad. kaya po kami ngayon ay mga dakilang ofw na nandito ngayon sa saudi arabia.
.
we thought of putting up this blog para magkaroon ng official diary ang mga gimik at kung ano-anong pinag-gagagawa ng grupo. clean fun of course dahil nga mga matitino (!) naman kami. so what you'd normally see here ay mga mukhang laging naka-ngiti o humahalakhak.
.
something that we have mastered in an environment that people outside the ksa would say challenging. sa amin, basta magkakasama ang grupo, nakakalimutan na yon. and fun takes over whatever homesickness we feel.
.
so join na po kayo and laugh with us sa mga kalokohan at walang katapusang gimik, kainan at bangkaan ng mga adik!

Saturday, April 12, 2008

Guidelines...

Guidelines in posting messages at Addicquotes blogspot.

Generally, ang ating blog should reflect the ugali ng mga adik na fun-loving, carefree but with puso na mga individuals. May pagka-buang at baliw pero God-fearing. At charitable paminsan-minsan. Magastos sa mga gadgets at gimik pero hindi kinakalimutan ang mga bahay na under construction.

With that, i-observe lang sana natin ang ilang guideliness sa pagpo-post:

Please refrain from using expletives. Wag mag-mura unnecessarily kasi hindi magandang pakinggan. Mga adik pa naman tayo. Dapat lagi tayong kagalang-galang. Di ba mga anak ng pu…… song busilak!!! You’re so ajujuju!!!

Please avoid graphic and sexual messages/images. Bawal ang pwet ni Eton. Bawal ang bakat ni Orgee... kung walang langaw!!! Hehehe... Sa friendster nyo na lang ilagay yong mga pics na medyo R-18. Igalang natin si Chairman.

Be sensitive. Wag ilagay ang grupo sa alanganin. Wag nang banggitin na nagcha-chat pag oras ng trabaho. O kaya nagtatakas ng kotse ng kumpanya! Or anything na pwedeng incriminating evidence against any member of the group or the group as a whole.

Pag nag-post, always ask yourself kung okey lang bang mabasa ng pamilya mo yon. Kasi ii-invite din natin ang ating family members to visit the site. Para naman makita nila ang mga kabaliwan natin. Ganon din yong ibang friends natin in and out of KSA. Kailangan yan para mataas ang hits ng blog noh!

As a group, ang posting natin ay tungkol sa mga gimik natin. Individually, pwedeng mag-post ng kahit anong subject – favorite food, music, films or habits – as long as ino-observe natin yong 1 to 4.

Yon lang. Guidelines lang ito – NOT rules. Pwedeng sundin pwedeng hindi. Pero sana, lagi nating iisipin na ang mga adik, going www na. So let’s make it a fun site.