Well, well, well... Nagkasundo-sundo ang ibang adik na magpaturo nang driving kay Ricky noong mga nagdaang Linggo and ito po ang mga shots that I made and share ko po sa inyo... Actually, biglaan lang itong driving lesson na ito, nabanggit lang kasi ni Ricky na mura ang rent nila noong car and bigla kong naisip kung magpaturo kaya ako ng driving? So I asked Ricky kung okay lang sa kanya and kung free sya, sumang ayon naman sya kung kaya't nabanggit ko ito kay Katotong Bien also known as Jorge and gusto rin pala nyang matuto... So the day after na mapagkasundaan ng mga adik ang mga plano, after office hours punta agad kami sa Rent a Car... But unfortunately, walang available, so naghagilap kami ang almost yung mga malalapit na rent a car ay napagtanungan namin, hanggang sa AVIS kami ulit bumalik at nag rent nang car, dahil sa kaatatan at kasabikang kong humawak na ng manebela itong bagong-bago na Toyota Camry 2008 Model ang aming inarkila at pinag-aralan...
Picture-picture muna habang nagpapahinga... kaunting posing parang model na nang camry...
Syempre hindi mawawala ang harutan at ka-kwelahan ni Jorge...
Ito naman ang mga shots ko kay Papa Bien while Ricky (The Driving Instructor) explaining some basics driving to Papa Bien... Attentive and gustong-gusto talagang matuto... Take note! First time ni Papa Bien mag drive kaya medyo kabado pa at medyo mabigat pa ang paa... At pati sa pag shift nang gear halos matanggal ang kambyo pag lilipat na nang gear... Pero gayon pa man, hindi sya namamatayan sa first gear, unlike me na halos nagas-gas ko yata ang starter sa kadahilanang laging namamatay ang makina sa arangkada pa lang...
I guess 4okm/hr yata ang speed namin nito... And nakakapag 2nd gear na...
See the hand of Ricky? Medyo alalay kasi may kasalubong, mabilis pa naman ang takbo namin and mahirap na at baka magulat si Papa Bien at makabig sa kaliwa...
Again! Alalay muna ulit si Ricky sa manibela... Pero medyo relax na si Papa Bien...
Another driving instructor, Pareng Eton with Papa Bien... Feel na feel ang pagdra-drive... Sarap!
Pareng Eton on his turn to test drive the camry 2008... Medyo kinabahan ako dito dahil arangkada palang nagpakamot na and then nagpa-drift pa ang loko...
Last week, yung Toyota Yaris naman ang aming hiniram, courtesy naman of Papa Bien... And that time si Papa Bien naman ang hirap sa arangkada... Halos naalog ang ulo namin lahat sa pagkadyot nang kotse... Kaya noong sumunod na driving lesson ay hindi na sumama si Irwin na hilo parin yata... Rest muna kami this week and baka matagalan na ulit bago masundan ang lesson...
.
Masaya, masarap at nakakalibang and at the same time ay natuto kami... Thanks Ricky and Pareng Eton for sharing your knowledge and time to us with regards on driving... Susulitin namin ni Papa Bien ang effort ninyo, pagnakakuha kami driver license, kami naman ang driver ninyo...
1 comment:
mag comment daw ako ito may nakabantay sa akin, bugbugin raw ako pag di ako mag comment...kaya ito napilitan ako mag type kahit ayoko....ngeeeehhhhhhh
joke lang po yon....
Post a Comment