Thursday, May 22, 2008

milestones sa mga adik

gusto ko lang pong i-share ang mga nangyayari lately sa mga adik. kahit di sila ang mag-update nitong addicquote eh ako na lang... mga busy kasi sila, ako hindi! hehehehe
.
- vayren aka renz : earlier this month (anong date nga ba ren?) ang second baby of the cariaga family, si valerie avril, was born. may little sister na si vince angelo and makes their family a complete picture of joy. congrats renz and we're waiting for the pic ni baby valerie. pag meron na, post mo na lang dito.
.
- matt and jun c : these two have been actively learning driving through the help of ricky. for a couple of weekends na, nagre-rent sila ng car and spends thursday afternoons learning the tricks. in fact, one of these days eh may kotse na si matt. and he promised he'd take me on a road trip - to jeddah! bwahahaha!!! yong pics naka-post na dito sa baba...
.
- ricky also got his first baby, a very cute baby girl din - si sofia khate na 8.5 lb nang ilabas. post mo rin dito yong pic nya ha ricky.
.
- ega : nadagdagan na naman ang inaanak ni ega dahil malutong na kumpare na ang tawag sa kanya ni ricky! good choice ricky boy dahil dollars daw kung magpa-pasko si ega noh. tanong mo kay jun!
.
- raoul : may bago din si raoul pero hindi pa baby. baka this year pa yon. but this time, a brand new toyota yaris! congrats tserman! sarap mamasyal pag bago ang car!
.
to all of you - congrats mga ka-adik!

Driving Lesson...

Well, well, well... Nagkasundo-sundo ang ibang adik na magpaturo nang driving kay Ricky noong mga nagdaang Linggo and ito po ang mga shots that I made and share ko po sa inyo... Actually, biglaan lang itong driving lesson na ito, nabanggit lang kasi ni Ricky na mura ang rent nila noong car and bigla kong naisip kung magpaturo kaya ako ng driving? So I asked Ricky kung okay lang sa kanya and kung free sya, sumang ayon naman sya kung kaya't nabanggit ko ito kay Katotong Bien also known as Jorge and gusto rin pala nyang matuto... So the day after na mapagkasundaan ng mga adik ang mga plano, after office hours punta agad kami sa Rent a Car... But unfortunately, walang available, so naghagilap kami ang almost yung mga malalapit na rent a car ay napagtanungan namin, hanggang sa AVIS kami ulit bumalik at nag rent nang car, dahil sa kaatatan at kasabikang kong humawak na ng manebela itong bagong-bago na Toyota Camry 2008 Model ang aming inarkila at pinag-aralan...

Picture-picture muna habang nagpapahinga... kaunting posing parang model na nang camry...

Syempre hindi mawawala ang harutan at ka-kwelahan ni Jorge...

Ito naman ang mga shots ko kay Papa Bien while Ricky (The Driving Instructor) explaining some basics driving to Papa Bien... Attentive and gustong-gusto talagang matuto... Take note! First time ni Papa Bien mag drive kaya medyo kabado pa at medyo mabigat pa ang paa... At pati sa pag shift nang gear halos matanggal ang kambyo pag lilipat na nang gear... Pero gayon pa man, hindi sya namamatayan sa first gear, unlike me na halos nagas-gas ko yata ang starter sa kadahilanang laging namamatay ang makina sa arangkada pa lang...

I guess 4okm/hr yata ang speed namin nito... And nakakapag 2nd gear na...

See the hand of Ricky? Medyo alalay kasi may kasalubong, mabilis pa naman ang takbo namin and mahirap na at baka magulat si Papa Bien at makabig sa kaliwa...

Again! Alalay muna ulit si Ricky sa manibela... Pero medyo relax na si Papa Bien...
Another driving instructor, Pareng Eton with Papa Bien... Feel na feel ang pagdra-drive... Sarap!

Pareng Eton on his turn to test drive the camry 2008... Medyo kinabahan ako dito dahil arangkada palang nagpakamot na and then nagpa-drift pa ang loko...


Last week, yung Toyota Yaris naman ang aming hiniram, courtesy naman of Papa Bien... And that time si Papa Bien naman ang hirap sa arangkada... Halos naalog ang ulo namin lahat sa pagkadyot nang kotse... Kaya noong sumunod na driving lesson ay hindi na sumama si Irwin na hilo parin yata... Rest muna kami this week and baka matagalan na ulit bago masundan ang lesson...
.
Masaya, masarap at nakakalibang and at the same time ay natuto kami... Thanks Ricky and Pareng Eton for sharing your knowledge and time to us with regards on driving... Susulitin namin ni Papa Bien ang effort ninyo, pagnakakuha kami driver license, kami naman ang driver ninyo...

Tuesday, May 13, 2008

cookie jar, bumblebees at cafein

o eto pa ulit ang isang gimik ng mga adik. ilalagay ko sana through slideshow kaya lang nakaka-hang daw ng pc kaya eto, dusa na lang ulit sa pagpo-post ng pics.. di ba ega and matt? mararanasan din ni raoul yan sa blog nya! heheheh...


so here are the adiks na sabi ng photographer eh jump daw.... kaya ayan... jump!!!


this one, ganda ng dating... parang naka-frame kami. again another wonderful concept ng magaling na si matteo


this time si ega naman ang nasa lens... kaya ayan si orgee kung anong ginawa sa pose nya!


inside applebees family section.... bagyo talaga ang dating ng grupong to... ayaw maki-halo sa masa gusto vip!

pa-ekstrahin naman natin yong mga friends nating waiters...

sta fe salad... peborit ng mga adik.


ang peborit ko namang mushroom steak... yummyyyy

ayan at kinantahan na si ega ng happy birthday! eh parang more than a month na nakaraan yong bday nya.... hehehehe

and after some heavy dinner, takbo naman kami ng coffee shop somewhere in the fanateer area... sarap ng capuccino and chocolate muffin!!!!

o don sa mga wala sa pic, nasan ba kayo? ewan... di ko alam, nag-post lang ako so please wag ako tanungin nyo! hahahaha!!!!

Tuesday, May 6, 2008

first outing sa bahar

if there are things na dapat ma-post dito, yon ang mga pix ng kaliwa't kanang gimik before this blog came along. para documented lahat. and since marami akong collection nong mga pix na yon, ako na lang ang mag-post. may iba pa ba namang gagawa?? hehehehe....

first of the retro-posting eh yong unang lakad natin sa bahar last march. para makita ng ibang members na di kasama pati ng mga friends and family natin... wala si jun dito kasi bakasyon sya non kaya bitoy and buleg, walang gwapo dito kasi wala si papa nyo! hahahah...




kala ko ito ang magiging banner ng addicquotes... ganda ng layout dati tapos nawala...


chairman raoul, ako at si vayren da hunk! ahehehehe



more hunks: (l to r) boy next door ricky, macho eton, cutie irwin and gwapo matt!!! haaayyyy.... mga hindi humihinga para lumiit ang tyan!!!

si tito bong may dalang tabo! ahahahaha

ren and rommel's grille... yong iba nag-aabang ng lutong pusit at hotdogs!

si ega, keeping the food safe and secure!!! lalo yong kare-kare ni raoul... sarap kase!



ayan na pinaligiran na ang fooodddd!!!!



kasi, attack time na!!!!

after the kainan, nag-games... ayan at ang chairman, tuwang-tuwa sa mga pinag-gagagawa ng mga adik!




teka, supposedly, swimming to... bakit walang naligo? eh kasi mga adikkkk!!!!


Thursday, May 1, 2008

Q1 Communications Meeting Hits and Bloopers



April 29, 2008...Q1 Communications Meeting ng aming company...out of the 13 adik members, 7 of us were there [basically to support the awardees - Irwin, Orgee and Dante]....although walang sumulpot na sexy at balingkinitan when Rodante's name was called for the SAP Downgrade, este Upgrade contribution...no show ang bruha!

i was there for the Loss Control awarding, kasi kami ang pasimuno..kakairita lang that the PR man of the company ay sobrang pakielamero at manipulative...d sya bagay sa pwesto nya, alang PR! purchase requisition pa cguro pwede sya!


the gathering was started with a presentation by the President, ung ibang topic naulit na bago pa ako umalis last year. yung iba d masyado interesting sa isang tulad nating nasa ibabang level, hindi ma-appreciate.


then comes the awarding from Loss Contol, Training and IT. syempre amin ang pinaka bongga [walang kokontra!]...wala sila panama sa ribbon ng aming Video camera! ahehhee..when Irwin received his prize, kinabahan daw sya at imbis na "thank you" ang sabihin sa Pangulo, sabihin ba namang, "welcome"....aba! aba!

sa Training nga eh, perfect attendance lang awardee na!...ganun ka big deal un sa kanila na kahit walang naunawaan eh 100% naman ang pagsulpot sa klase kahit naglalaro ng PSP!


following program was the raffle ng mga anik anik. mapalad ang 2 sa mga adik members na nabunot. Irwin and Ricky congrats! kami ay umuwing luhaan... kay Hermie ay make up kit! ahehehe...


then chibugan na!!!!...walang kamatayang tupa, at the same menu na makikita sa Cafeteria...para ka lang nagdinner sa Cafeteria, na nakaupo sa sahig! sa dami ng pagkain, nakapagbalot pa para sa mga hindi pumunta. si Chairman, sa sobrang kabusugan, nagpagulong-gulong para lang makatayo! napatawa tuloy si Jay [d driver!]....akala nya dko nakita! hehhe


nagkayayaan sa Magrabi [Fanateer] para magclaim ng Oakley na shades, kaso wala daw stock kaya babalik na lang...sa Splash kami bumagsak ay napabili ng damit...


uwian na!!!....


Hits and Bloopers nga pala ang topic ko, sencia nawala ako sa wisyo.


Bloopers:
[as expected, boring at maraming bloopers]


  • when number 36 was called twice by the emcee, at nung palapit na ang claimant, bigla ba namang sabihin na nagkamali sya at 39 daw ang totoong number....hmmmmm, kaduda-duda! umiyak tuloy ang bata as if naiintindihan rin nya. hehehe

  • when the emcee was calling the awrdees for IT,some of the names ay hindi ma-pronounce!...bulol?...suggestion ni orgee, pag enrolin sa Cora Doloroso [para sa catwalk? ahehehe]

  • during the raffle para sa ga kids, ang pink na bicycle ay ibinigay sa isang boy while ang isang girl ay binigyan ng gift na panlalaki. naghintay nga kami ng batang boy na pipili ng manyika...huli ka!

hindi pa man tapos ang programa ay nag aalisan na ang mga tao...


Hit(s):



  • Awardee si Irwin, at swerte syang nabunot rin sa raffle, pati na rin si Ricky. Nagkatotoo ang sinabi ni Chairman na wag na isali yung mga nanalo na sa Slogan Contest...ibebenta na lang daw...

  • other than this, WALA NA AKONG MAALALA NA HITS...









o sya, sya. look at the pix na lang below....