Friday, October 17, 2008

tserman's day

after two months na natulog ang addicquotes, buhayin ulit natin itong ating blog. last posting was by ega about my birthday, ngayon b-day naman ni tserman. sa bagong bahay nila ginawa and of course, sarap busog na naman ang mga adik.
:)
eto'ng mga pix, interwoven with the corny poem na in-effort kong tapusin kahit maraming trabaho. and based on the intensity ng yanig sa halakhak ni tserman, mukhang natuwa naman sya at hindi ako nahampas ng masakit! heheheee...


Isang adik na birthday greeting…



You were born into this world with the name Raoul
Isang taong masayahin at laging very cool
Pero sa mga adik ang iyong pangalan
Isang magalang at malutong na Chairman


Dahil pag ikaw na ang humagupit sa chat
Lahat ng kalokohan laging nawa-whaatttt??
Pero ang halakhak mo kapag dumagundong
Yanig ang Tasnee hanggang sa bubong


Isa kang Kapuso at hate mo si Willie
Pati si Pacman di mo kinukunsinti
So You Think You Can Dance inaantay mo sa Tv
Fave mo rin si Aiza kahit mali ang CD


Masarap kang kasama lalo sa Flamingo
Applebees, Mughal at kahit sa Portobello
Fried rice, spring roll, steak at kare-kare,
Kahit sumakit ang tyan dahil natata…


Centerpoint, SACO, Carrefour at Jarir
Pati Extra at Panda, laging kina-karir
Wala daw bibilhin pag papasok pa lang
Paglabas naman, ang binili, walang mapaglagyan!


PSP, Bravia, Glofish at kung ano-anong gadget
Laging updated sa kung ano ang latest
Pero ang cute na si JR at ang birthday ni mader
Di pwedeng forget, bongga lagi forever


Dahil dyan ikaw ngayon si DeVenecia
Bansag ni Jun sa yo dahil isa kang sosyalista
May yaris na, may driver pang mabait
Arcache at Arenas lagi pang nakasabit!


Pati ang iyong zodiac sign, tama ang sinasabi
Dahil mahilig ka raw sa mga things na hindi cachi
Pati daw bahay mo maayos at nicely decorated
Although walang mention ng aircon mong vintage.


Ang mga Libra daw, mahirap pakisamahan
Dahil bawat galaw mo laging tinitimbang
Pero sa yo parang di naman ito accurate
Dahil alam ko, Aquarius lang ang iyong hate!


Senior Citizen lagi mong biro sa akin
Pero eto tandaan mo, malapit ka na rin
Kaya fat burner wag na wag kalimutan
Dahil kahit sa pearl, lumiliit na ang upuan!


Pero bago mo ako masigawan ng ano bahhhhhhh
Na may limang question mark – todong-todo na,
Batiin lang kita, on behalf of the adiks tanan
Adlaw nga tawhan, prend naming Chairman!

No comments: